Talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal
(ginawa ni Romelyn C. Amistoso, BSAccountancy 3 bilang proyekto sa Rizal1)
Isinilang sa Calamba, Laguna
noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Tinaguriang pinakadakilang anak ng lahing
kayumanggi. Siya ay si Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo Realonda Y
Quintos. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal
Mercado Alejandro at Teodora Alonzo Realonda Quintos.
Ricial,
dito nagmula ang pangalang Rizal na nangangahuluganag "mula sa bigas o
palay" ng luntiang kabukiran. Ito ay alinsunod sa kapasyahan ng Kapitan
Heneral Claveria noong ika-27 ng Nobyembre,1849. Si Rizal ay bininyagan
noong ika-20 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang nagbinyag sa kanya
ay si Padre Rufino Collantes at si Padre Pedro Casañas ang kanyang
naging ninong.
Noong
1864, siya'y tatlong taong gulang, tinuruan siya ng kanyang ina ng
abakada at nang siya'y siyam na taong gulang na ay pinadala siya sa
Biñan at nag-aral sa ilalim ni Justiniano Aquino
Cruz. Ika-20 ng Enero, 1872 ay pumasok si Rizal sa Ateneo Municipal de
Manila dito siya nagtamo ng kanyang pangunahing medalya at notang
Sobrasaliente sa lahat ng aklat. Noong ika-14 ng Marso, 1877 tumanggap
siya ng katibayang Bachiler en Artes at notang Sobrasaliente kalakip ang
pinakamataas na karangalan. Nag-aral siya Filosopia Y Letras sa
Unibersidad ng Santo Tomas
noong 1878 at Agham sa pagsasaka sa Ateneo. Sa Ateneo din siya ng
panggagamot. Ika-5 ng Mayo, 1882. Siya ay nagtungo sa Europa sa gulang
na 21 upang magpatuloy ng pag-aaral. Sapagkat hindi siya nasisiyahan sa
pagtuturo sa eskwelang pinapasukan.
Noong
1884, nagsimula si Rizal sa pag-aaral ng Ingles. Magtatapos ang 1884 at
magsisimula ang 1885 nang sinulat ni Rizal ang unang kalahati ng Noli
Me Tangere sa Madrid.
Ang ikaapat na bahagi sa Paris at isa pang ikaapat na bahagi ay
isinulat sa Alemanya. Natapos niya ang Noli Me Tangere noong ika-21 ng
Pebrero, 1887. Dalawang libong kopya ang kanyang naipagawa
na nagkakahalaga ng tatlong daang piso. Si Maximo Viola ang tumulong sa
kanya at nagpahiram ng tatlong daang piso.
Ika-3 ng Pebrero, 1888. Siya ay umalis sa Maynila upang magtungo sa Europa
dahil umiiwas siya sa pagkagalit ng mga Kastila sa pagkakalathala sa
Maynila. Noong 1891 ipinalimbag sa Grante Belhika ang kasunod na aklat
ng Noli Me Tangere na El Filibusterismo. Ika-3 ng Hunyo, 1892, itinatag
ni Rizal ang La Liga Filipina. isang kapisanan na ang lihim na pakay ay
ang pagbabago ng lakad ng pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng
mapayapang paraan at di paghihimagsik. Bumalik siya sa Pilipinas nang
ika-26 ng Hunyo, 1892. Ika-7 ng Hunyo, 1892, alinsunod sa kautusan ni
Kapitan Heneral Despujol, ipinalathala sa Gazette ang mga dahilan sa
pagdadakip kay Rizal. Pagkatapos ng walong araw, ika-15 ng buwan na iyon
ay ipinatapon si Rizal sa Mindanao.
Si Kapitan Heneral Blanco ang nagpatotoo sa mga kakayahan ni Rizal na
kailanma'y di siya nakilahok sa mga pag-aalsang nangyari sa Pilipinas at
dahil dito, humiling si Rizal na makapaglingkod sa mga pagamutan sa Cuba. Magtatapos ang 1896, hinuli si Rizal sa kinalulunang bapor habang naglalakbay patungong Espanya at pagdating sa Barcelona
ay ibinalik sa Paris. Sa Real Fuersa De Santiago ay piniit si Rizal
nang siya’y dumating sa Maynila. Dito siya hinarap sa hukumang militar
at nilitis at nahatulang barilin sa Bagong Bayan. Ika-30 ng Disyembre,
1896, binaril si Rizal sa edad na 35. Bago siya lumabas sa Fort Santiago, ibinigay niya ang ilawang kinaroroonan ng kanyang huling akdang pampanitikan kay Trinidad.